Sunud-sunod na bomb threat e-mail ng isang Takahiro Karasawa, itinuturing transnational crime—PNP

Sunud-sunod na bomb threat e-mail ng isang Takahiro Karasawa, itinuturing transnational crime—PNP

BUKOD sa Pilipinas, marami pang bansa ang biktima ng email bomb threat ng isang Takahiro Karasawa.

Kaya naman para sa Philippine National Police (PNP), maituturing na itong transnational crime dahil na rin sa bantang hatid nito sa publiko at ibayong dagat.

Aminado ang PNP na malaking hamon para sa kanila ang pagtunton sa kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng bomb threat e-mail gamit ang pangalang Takahiro Karasawa.

Gayunman, tiniyak ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo na puspusan ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Anti-Cybercrime Group (ACG) sa kanilang foreign counterpart hinggil dito.

Nabatid kasi na maliban sa Pilipinas at Japan, nagpakalat din ng kahalintulad na e-mail ang gumagamit sa pangalan ni Karasawa sa South Korea at Taiwan.

Batay sa kanilang pakikipagpulong sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama ang iba pang law enforcement agencies, lumalabas na totoong tao si Karasawa subalit na-hack ang kaniyang e-mail na siya ngayong ginagamit para maghasik ng takot.

Ayon sa PNP, nito lamang Martes nang makatanggap ang bansa ng aabot sa 80-90 na bomb threats sa loob ng isang araw batay sa datos ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG)

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble