MARIING tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kamara sa AFP Modernization Program (AFPMP) sa harap na rin ng hamong kinakaharap ng bansa.
Sa HOR-AFP fellowship sa Cebu City, sinabi ni Romualdez ang commitment ng House of Representatives para sa tuluy-tuloy na modernisasyon sa assets ng AFP.
Saad ng lider ng Kamara, dapat ‘latest’ ang mga gamit ng militar lalo na’t crucial ang kanilang mandato na protektahan ang lahat sa anumang mga banta.
“Our military should be equipped with the latest technological advances and training to respond to the continuing threats that we face,” ani Romualdez.
Sa ilalim ng 2023 national budget, dinagdagan ng Kamara ng P6-B ang budget sa modernization kaya nasa P45-B na ang kasalukuyang pondo ng programa.
Mula December 2021 hanggang June 2022, nakapag-procure na ang Department of National Defense ng nasa P109-B na halaga ng assets sa ilalim ng AFPMP.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
- PHP28 billion para sa 2 units ng anti-ship, anti-submarine, at anti-aircraft corvettes mula sa Hyundai Heavy Industries Co. Ltd. ng South Korea;
- PHP18.9 billion para sa 3 units ng shore-based supersonic ramjet missile batteries mula sa BrahMos Aerospace ng India;
- PHP32 billion para sa 32 units Black Hawk choppers mula sa PZL Mielec ng Poland;
- at PHP30 billion para sa anim na units ng long-range offshore patrol vessels mula rin sa Hyundai.