Speaker Romualdez: Kamara, handang i-adopt ang Con-ass

Speaker Romualdez: Kamara, handang i-adopt ang Con-ass

HANDA ang House of Representatives na i-adopt ang Constitutional Assembly (Con-Ass) na nais ng Senado para amyendahan ang restrictive provisions ng 1987 Constitution.

Ito’y kahit Constitutional Convention (Con-con) ang pinasa nilang panukala sa Kamara.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, handa ang house leadership na umayon sa Con-ass para lamang matuloy ang pagbabago sa Saligang Batas.

Naunang sinabi ni Leyte Rep. Richard Gomez na sinabi sa kaniya ng lider ng Kamara na handa silang i-adopt ang nais ng Senado na Con-ass.

Pinuri naman ni Romualdez ang pagsusumikap ni Gomez at ni Senator Robin Padilla na mabago ang constitution.

Follow SMNI NEWS in Twitter