Supply ng kuryente sa bansa, sapat; Manipis na reserba, pinangangambahan ng OCD

Supply ng kuryente sa bansa, sapat; Manipis na reserba, pinangangambahan ng OCD

PINANGANGAMBAHAN ngayon ng Office of Civil Defense (OCD) ang manipis na reserbang kuryente sa bansa sa kabila ng pagkakaroon ng sapat ng supply ng kuryente.

Sa ginanap na pagpupulong kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at ilang sangay ng pamahalaan, ibinahagi ng OCD na sa kabila ng manipis na reserbang kuryente umaasa itong madadagdagan na ang supply para sa reserbang kuryente sa bansa sa oras na bumalik na sa operasyon ang Ilijan LNG at First Gen Power Plant.

Maliban dito, iniulat din ng Climate and Sustainable Cities (ICSC) ang posibilidad na magkaroon ng yellow alerts ang kabuoan ng Luzon simula sa Abril dahil sa pagtaas ng power demand sa bansa.

Sa ngayon, isa sa mga pinag-aaralan ng pamahalaan ang paglipat sa renewable energy sources para sa mas ligtas at maasahang supply ng kuryente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter