Supply ng uranium, iba pang mineral, dahilan kung bakit mas nakatuon ngayon ang ibang bansa sa kudeta sa Niger—Pastor ACQ

Supply ng uranium, iba pang mineral, dahilan kung bakit mas nakatuon ngayon ang ibang bansa sa kudeta sa Niger—Pastor ACQ

NANINIWALA si Pastor Apollo C. Quiboloy na ang supply ng uranium at mga diamante ng bansang Niger ang dahilan kung bakit mas nakatuon ngayon ang ilang mga bansa sa kudeta sa Niger, kumpara sa kudeta sa Mali, Burkina Faso, at Chad.

Ito ang ipinahayag ni Pastor Apollo sa kaniyang programang Give Us This Day nitong Huwebes, Agosto 10.

Dagdag pa ni Pastor Apollo na posibleng magkaroon ng giyera sa Africa kung ang sitwasyon sa Niger ay magpapatuloy.

Noong Hulyo 26, nagkaroon ng kudeta sa bansang Niger at pinaalis si Mohamed Bazoum bilang democratically-elected na presidente ng bansa.

Simula noon, nagdesisyon ang mga nanguna ng nasabing kudeta na ipalit si General Abdourahmane Thiani ng Presidential Guard bilang bagong pinuno ng Niger, bagay na pinakikialam ng Estados Unidos, France, United Nations, at Economic Community of West African States (ECOWAS).

Matatandaang nauna nang nagkaroon ng kudeta ang ibang mga bansa tulad ng Mali, Burkina Faso, at Chad, ngunit ayon kay Pastor Apollo na ang abundansiya ng mga mineral sa Niger tulad na lamang ng uranium, diamante, at iba pang mineral resources ang dahilan kung bakit mas nakatuon ngayon ang mga banyagang pamahalaan sa kasalukuyang sitwasyon sa nasabing bansa.

There is a brewing war in Africa if this goes on—Pastor ACQ

Matatandaang nagbigay ang ECOWAS ng 7 araw na deadline upang ibalik si Pangulong Mohamed Bazoum bilang pinuno ng Niger, bagay na tinanggihan ng mga lider ng kudeta sa bansa.

Isinara din ng Niger ang kanilang airspace. Ani Pastor Apollo, posible na magkaroon ng giyera sa Africa.

Kamakailan ay inanunsiyo ng mga lider ng kudeta ang panibagong gobyerno na kanilang binuo para sa Niger.

Kasalukuyan namang nagpupulong ang ECOWAS sa Nigerian capital ng Abuja para sa mga susunod nilang hakbang.

Pastor Apollo C. Quiboloy, nananalangin para sa Niger at buong Africa

Ngunit sa kabila nito, nananalangin naman ang butihing Pastor para sa Niger at sa buong Africa.

 “I’ll just pray for the Africans …Our prayer is for the Africans to really develop by themselves,” saad ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS on Twitter