Suspek ng Lapid case na si Zulueta, nais umalis sa imbestigasyon ang DOJ

Suspek ng Lapid case na si Zulueta, nais umalis sa imbestigasyon ang DOJ

HINDI na makialam sa imbestigasyon ng Percy Lapid case ang Department of Justice (DOJ).

Ito ang ninanais ni Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, isa sa mga itinuturong suspek sa pagkapatay ng broadcaster na si Lapid.

Ayon sa abogado ni Zulueta na si Lauro Gacayan, ina-adopt nito ang motion of inhibition na inihain ni suspended BuCor chief Gen. Gerald Bantag na hindi makialam sa imbestigasyon ang DOJ.

Gaya kay Bantag, nais nilang ang Office of the Ombudsman na ang humawak nito.

Ang rason ayon sa abogado, ang pronouncements ng DOJ ay may prejudgment para sa kanila.

Kaugnay nito, nilinaw ni Atty. Gacayan na hindi umalis sa bansa si Zulueta at hindi rin ito nagtatago.

Binigyang-diin pa nito na inosente ang kanyang kliyente sa ibinabato na kaso.

Follow SMNI NEWS in Twitter