IGINIIT at nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na walang sinumang papaboran o makikinabang sakaling may grupong gagawaan ng masama si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Security Officer, Superintendent Ricardo Zulueta.
Ito ang paniniwala ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at reaksyon sa napaulat na posibleng patay na si Zulueta.
Ipinaliwanag ni Remulla na hawak na kasi ng mga otoridad ang mga matitibay na ebidensya at mga salaysay mula sa mga testigo na nagdidiin kay Zulueta sa krimen.
Magugunitang si Zulueta ay isinangkot din sa pagpatay sa radio brodkaster na si Percy Lapid at inmate sa New Bilibid Prison na si Jun Villamor.
Batay sa record ng BuCor, bago pa man ipinataw ng DOJ ang 90 days preventive suspension ay nag-AWOL o nag-absent without official leave na si Zulueta sa kanyang trabaho at hindi na ito makita.
