NO show o hindi dumalo sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.
Ang kaniyang abogado ay naghain ng motion for reconsideration (MR) sa halip na kontra salaysay laban sa mga murder complaints laban sa kaniyang kliyente.
Tanging mga abogado lang ni Bantag ang humarap sa panel of prosecutors para sa pagdinig ng Percy Lapid/Jun Villamor Case, araw ng Martes.
Matatandaang muling itinuloy ng panel of prosecutors ang preliminary investigation (PI) matapos hindi katigan ng panel ang mosyon ni Bantag na mag inhibit ang DOJ sa pag-iimbestiga sa kaniya.
Pero sa halip na maghain na ng counter affidavit, si Bantag hindi nagpatinag at naghain ng motion for reconsideration na isinumite ng kaniyang legal counsel na si Atty. Rocky Thomas Balisong.
Hirit ng kampo ni Bantag, dapat maconsolidate ang mga magkaparehas na reklamong nakapending sa DOJ laban kay Bantag at sa mga reklamong inihain nito laban kay Justice Secretary Boying Remulla sa Ombudsman.
At dahil meron naman daw concurrent jurisdiction ang Ombudsman at DOJ sa murder complaints, mas tama raw na dinggin ang mga ito sa Ombudsman para sa kredibilidad ng gagawing imbestigasyon.
“The case pending here, and the case pending in the Ombudsman,” pahayag ni Atty. Rocky Thomas Balisong, Legal Counsel ni Gerald Bantag.
Ayon kay Balisong, sa Ombudsman lang nila balak maghain ng kontra salaysay.
Itinanggi naman ni Balisong na bahagi ng dilatory tactic nila ang paghahain ng MR.
Giit nito, kasama ito sa legal na proseso.
Samantala, ilan pa sa mga no show sa PI ay ang kampo ni Ricardo Zulueta na nahaharap din sa 2 counts of murder.
Ang Dimaculangan brothers na kasabwat ng shooter na si Joel Escorial sa pamamaril kay Percy Lapid hindi pa rin sumipot.
Ilan naman sa mga dumalo sa PI ay ang kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa at ang kapatid na babae ni Jun Villamor.
Si Mabasa, umalma sa MR ni Bantag at humirit na dapat magkaroon ng resolusyon sa reklamo dahil wala naman daw bagong argumento sa mosyon ni Bantag, bagay na binara naman ni Balisong.
Samantala, ayon naman kay Assistant State Prosecutor Charlie Guhit, hanggat nagpapatuloy ang PI ay maaring sumipot ang respondents at maghain ng kontra salaysay.
Sa ngayon maliban kay Bantag, hindi pa rin nakakapaghain ng counter affidavits si Zulueta at iba pang respondents na nadiin sa mga reklamo.
At kung sakali namang wala silang balak na maghain ng kontra salaysay, ayon kay Guhit.
Umiwas naman ito sa pagkomento sa pahayag ng kampo ni Bantag na sa Ombudsman lang maghahain ng counter affidavit ang respondent.
Sinabi naman ni Guhit na hindi sila maaring umaksyon pagdating sa bagay na may kinalaman sa paghahain ng Precautionary Hold Departure laban sa mga respondents kung wala silang mosyon na matatanggap mula sa mga complainant.