Tagal ng pila para sa 24/7 drive-thru booster vaccination sa lungsod ng Maynila, inirereklamo

Tagal ng pila para sa 24/7 drive-thru booster vaccination sa lungsod ng Maynila, inirereklamo

UMARANGKADA na ngayon ang unang araw para sa 24/7 na drive-thru booster vaccination sa Quirino Grandstand matapos itong simulan kaninang alas-12 ng hating gabi.

Pero ilan sa mga sakay ng four wheels vehicles na nakapila, inirereklamo ang haba ng oras ng kanilang pag-aantay.

Ang iba sa kanila inabot ng siyam o sampung oras bago nabakunahan.

Kung matatandaan kahapon ay sinimulan nang buksan ang drive-thru booster vaccination na sinimulan mula alas otso ng umaga hangang alas singko ng hapon.

Sa naturang site hindi na rin kailangan ng pre-register online, kundi ang serbisyo first come, first served basis.

Nagdagdag na rin ng lanes para sa mga nais magpabakuna.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso apat na lane ang binuksan  para mabilis ang time-in motion.

Bukod sa unlimited na ang pagbabakuna, maaari pang makapili ng brand ng bakuna na nais na mag-booster shot sa drive thru vaccination sa Quirino Grand Stand.

Maliban naman sa booster vaccination ay bukas pa rin ang lane ng libreng RT-PCR sa naturang vaccination site.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter