ISA nang ganap na insurgency-free ang Tanay, Rizal.
Ito ay matapos lagdaan ng Tanay Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang Memorandum of Understanding (MOU) at Declaration of Stable Internal Peace and Security.
Ginawa ang signing ceremony sa munisipyo ng Tanay sa pangunguna nina Tanay Mayor Rafael Tanjuatco, Tanay Vice Mayor Rex Manuel Tanjuatco, 2nd Infantry Division Commander Major General Roberto Capulong, 202nd Infantry Brigade Commander Brigadier General Cerilo Balaoro Jr., Area Police Command- Southern Luzon Commander Police Lieutenant General Rhoderick Armamento at Rizal Police Provincial Director Police Colonel Dominic L. Baccay.
Ayon kay Capulong, ang deklarasyon ng insurgency-free sa Tanay ay isang magandang hakbang para sa magandang kinabukasan ng mga mamamayan, gayundin ng buong lalawigan ng Rizal.
Samantala, lumagda rin ang mga opisyal sa Pledge of Commitment sa kapayapaan at re-declaration sa CPP-NPA-NDF bilang Persona Non-Grata sa Tanay.