Sen. Binay, nais paimbestigahan ang plano ng BuCor na tayuan ng bagong Bilibid Prison ang Masungi

Sen. Binay, nais paimbestigahan ang plano ng BuCor na tayuan ng bagong Bilibid Prison ang Masungi

NAIS ni Senator Nancy Binay na imbestigahan ng Senado ang plano ng Bureau of Corrections (BuCor) na tayuan ng residential structures ang Masungi Georeserve.

Kasabay pa nito ang paglipat na rin ng New Bilibid Prison sa lugar.

Ayon sa ulat, sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ang ahensya ang may-ari ng 270 ektaryang lupa sa Tanay, Rizal kaya ikinokonsidera nila ang paglilipat dito.

Batay rin aniya ito sa Presidential Proclamation No. 1158 na inisyu noong September 8, 2006 ni dating Pangulo at ngayo’y House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na inilaan ang nabanggit na kalupaan para sa pagtatayo ng bagong New Bilibid Prison.

Subalit batay sa Resolution No. 495 ni Binay, sinabi ng National Museum of the Philippines na ang pagbuo o pag-develop ng relocation site sa Masungi ay may malalang bunga laban sa kalikasan.

Samantala, taong 2019 nang makatanggap ng international recognition mula sa World Tourism Organization Awards ang Masungi Georeserve para sa kanilang sustainable tourism practices.

Follow SMNI NEWS in Twitter