HINDI lang pang lokal ang talento ng mga Pinoy dahil kayang-kaya rin nating makipagsabayaan sa international stage. Kasama lang naman sa cast ng new Netflix series na ‘Mercy for None’ ang Filipino actor na si Tanjo Villoso.
Gaganap siya bilang Okur, na isang gangster leader na walang kinatatakutan at magiging kalaban ng main character na gagampanan naman ng South Korean actor na si So Ji Sub.
Si Tanjo ang nag-iisang Pinoy sa series kaya naman proud na proud ang kanyang fans sa break na ito.
Nakuha niya ang role sa pamamagitan ng online audition at mapalad siyang napili ng South Korean productions.
Hindi man mapapanood ng kanyang ama ang pag-arte sa international film dahil pumanaw na ito, blessed pa rin naman daw siya na makasama sa series at inaalay niya ito for his pops.
Nag-audition si Tanjo para sa role noong September 2023 sa tulong ng kanyang manager na si Ruby Brillo at natanggap ng productions noong November 2023.
At, mapapanood na ito ngayong June 6, sa Netflix!