Tanyag na Terracotta Warriors ng China, dinagsa ng mga turista

Tanyag na Terracotta Warriors ng China, dinagsa ng mga turista

DAGSA ngayon ang mga turista sa tanyag na pook pasyalan sa China ang Terracotta Warriors na kabilang sa Eighth Wonder of the World.

Hindi papipigil ang mga turistang kahit mainit ang panahon at mahaba ang pila sa labas.

Hindi pa nga nauubos ang pila ay may pila ulit.

Ito ay para masilayan lamang ang Eighth Wonder of the World, ang Terracotta Warriors ng Xi’an City dito sa China.

Para sa mga gustong bumisita sa Terracotta Museum, ganito ang labanan, siksikan.

Madaming mga tao ang nakapila para lamang masilayan itong iconic na lugar ng China.

Summer season ngayon sa China.

Kaya maraming Chinese nationals ang umuuwi para ipasyal ang pamilya sa mga sikat na pasyalan lalo na sa mga lugar na may cultural significance sa kanilang lahi.

Kaya pati mga bata, game na game sa pamamasyal dito sa museum.

Taong 1974 nang aksidenteng madiskubre ito habang may mga magsasakang naghuhukay ng balon sa Xi’an.

Tinatayang nalikha ang Terracotta Clay Warrior noong 209 BC.

At mula noon hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang excavation o paghuhukay sa lugar.

Nasa 22,000 square meters ang museo na kinaroroonan ngayon ng Terracotta Warriors.

Laman nito ang nasa 8,000 life-sized clay soldiers, 130 chariot at mahigit 600 horse guards para bantayan ang libingan ni Emperor Qin Shi Huang.

Si Qin (Chin) ay ang pinakaunang emperador ng Tsina noong Third Century BCE.

Siya ang dahilan kung bakit nagkasundo noon ang mga nag-aalitang kaharian kaya itinayo ang Qin Dynasty.

Ayon sa tour guide na kada araw ay nasa 20 to 30,000 ang bumibisita sa Terracotta.

Nasa 120 RMB ang entrance fee sa museum.

Bukas ito mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 hapon.

Samantala, nagkaroon naman kami ng tour sa Qin Theatre kung saan isinadula ang buhay noong panahon ng Qin Dynasty.

Hango ang dula sa mga totoong pangyayari sa nasabing panahon.

Pati na kung paano binuo ang Terracotta Warriors at ang inspirasyon sa likod nito.

Sa pagbisita sa mga lugar na ito ay mas lalo naming naintindihan ang kultura ng mga Tsino.

Kulturang subok na ng ilang libong taon mula sa kanilang kanununuan.

Kulturang hindi kailanman sumakop sa mga Pilipino.

Bagkus pagkakaibigan ang gusto at pagnenegosyo.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter