UMABOT na sa P850-B ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa loob ng 4 na buwan.
Mas mataas ito sa target nila na P836.8-B ngayong taon para sa buwan ng Enero hanggang Abril.
Mas mataas din ito ng 14% kung ikukumpara sa P742.37-B na nakolekta ng BIR sa kaparehong panahon noong 2022.
Sinabi ni BIR Assistant Commissioner Jethro Sabariaga, nakatulong sa pagtaas ng kanilang nakolekta ang muling pagbangon ng ekonomiya.
Minabuti na rin nilang maisaayos ang kanilang serbisyo gaya na lang sa tax compliance monitoring efforts at iba pa.