Task Force Marawi, mas pinaigting ang Security and Safety Awareness Training ng NSTP Students

Task Force Marawi, mas pinaigting ang Security and Safety Awareness Training ng NSTP Students

UMABOT sa isang libong estudyante mula sa University Student Bureau ng Marawi State University (MSU)-Main Campus ang dumalo sa ginawang security orientation program ng kasundaluhan.

Ang nabanggit na programa ay pinangunahan ng Task Force Marawi sa pamumuno ni Col. Ian Noel Derosendo Ignes, Commander ng Task Force Marawi sa pakikipagtulungan ng Commanding Officer ng 500th Combat Engineer Battalion, at ilang team officers at enlisted personnel.

Sa kaniyang talumpati, binigyang diin ni Col. Ignes ang importansiya at kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan sa seguridad.

Aniya malaki ang papel ng security awareness program sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan hindi lang sa loob ng MSU o maging sa Marawi City kundi maging sa buong bansa.

Samantala, upang makapagbigay ng dagdag-kaalaman sa mga estudyante, ang 35th Explosive Ordnance Disposal Team, ng Philippine Army ay nagsagawa rin ng sesyon patungkol sa Improvised Explosive Device Recognition and Safety Awareness.

Kung matatandaan nito lang kamakailan pinasabog ng teroristang grupo ang loob ng MSU na kung saan may mga nasawi at nasugatan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble