Tatlong most wanted ng Sorsogon, naaresto sa Muntinlupa City

Tatlong most wanted ng Sorsogon, naaresto sa Muntinlupa City

HINDI na nakapagtago pa sa mga alagad ng batas ang tatlong ‘most wanted’ na suspek na matagal nang nagtatago sa Metro Manila dahil sa kasong murder.

Nitong Linggo nagkasa ang mga operatiba ng Police Regional Office 5 sa pangunguna ni PCol. Arturo P. Brual Jr., provincial director ng Sorsogon para tugisin ang matagal na nilang pinaghahanap at sa Kamaynilaan lang pala nila matatagpuan.

Sa bisa ng warrant of arrest na issue noong 2014 ni Bernardo R. Jimenez  Jr., Executive  Judge  ng RTC Branch 5,  Fifth Judicial Region, Gubat, Sorsogon ay nasukol sa tatlong magkahiwalay na operasyon ang mga suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodel Camara, Frannie Escober at Mary Erejias, parehong taga-Alabang, Muntinlupa na kasalukuyang nasa kostudiya na ng Sorsogon Lock up jail.

Binati naman ni PCol. Arturo Brual na provincial director ng Sorsogon ang mga magigiting na mga pulis ng Region 5 sa matagumpay na operasyon at sinisiguro nito na magpapatuloy ang paghabol sa mga nagtatagong kriminal upang makamit ng mga biktima ang hustisya na matagal ng ninanais makamit.

“I congratulate the legendary personnel of Gubat Municipal Police Station for exerting all their efforts to arrest the murder suspects simultaneously. Rest assured that we will continuously conduct our vigorous operations against wanted persons of the province to give justice of their committed crimes,” pahayag ni Brual.

Ayon naman kay PBrigGen Jonnel Estomo, bilang Regional Director ng PRO 5, nais nitong bigyan ng dignidad ang ipinagkatiwala sa kanya sa pamamagitan ng sersoyoso ito sa ginagawang trabaho at nais nitong maging haligi ng hustisya.

“If you see things as an obstacle, you are already conceding to defeat. Just treat everything as a common path to reach your destination. As the Regional Director of PRO 5, I want to give dignity to the authority given to me by not just threatening the individuals at large but by showing them we mean business. PRO 5 does not want to be a mockery of police operations, rather, it wants to be the pillar of justice,” ayon kay Estomo.

Magpapatuloy naman ang paghabol ng mga kapulisan ng PRO 5 sa mga nagtatagong mga kriminal para mapanagot sa batas at sa katunayan ngayong linggong ito ay mayroon na naman silang simultaneous na operation sa Metro Manila upang hulihin itong mga most wanted na mga personalities.

SMNI NEWS