Tax evasion complaint vs. Bamban Mayor Alice Guo, balak isampa sa DOJ

Tax evasion complaint vs. Bamban Mayor Alice Guo, balak isampa sa DOJ

PINAGHAHANDAAN na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagsasampa ng mga reklamo laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa pagkakadawit niya sa operasyon ng mga illegal POGO companies sa kanilang lugar.

Sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston Casio, reklamong tax evasion ang isa sa mga ihahain nilang reklamo laban kay Guo.

Aniya, malaking halaga ng buwis ang hindi nabayaran ni Guo kung pagbabatayan na rin ang lifestyle ng suspendidong alkalde.

“May nakita kaming mga violations niya regarding to administrative, mga tax evasion charges, kakasuhan natin siya. ‘Yong anti-graft, kung hindi po ako nagkakamali, nasampahan na siya so hindi na siya sasampahan nun. Maaring sampahan din natin siya ng violation ng Security Circulation Code,” pahayag ni Winston Casio, Spokesperson, PAOCC.

Ayon kay Casio, makatutulong ngayon ang 6-month preventive suspension na ipinataw ng Ombudsman laban kay Guo sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa sinalakay na POGO hub sa Bamban, Tarlac.

“Hindi ko pa nababasa ang preventive suspension pero kung meron man po ‘yan ay makakatulong para mapasok namin ‘yong munisipyo at makahingi kami ng iba pang mga record na nandoon sa kanila,” ani Casio.

Samantala, balak din ng PAOCC na sampahan ng reklamo ang mga opisyal ng Zun Yuan, Hong Sheng Gaming Technology at Baufo Land Development maging ang iba pang opisyales sa Munisipyo ng Tarlac.

Samantala, may mga kailangan pang dokumento na dapat i-comply ang PAOCC kaugnay ng mga isinampang reklamo para sa preliminary investigation sa DOJ.

Isa sa nauna nang sinampahan ng reklamo ng PAOC ay ang Chinese national na nagsilbi umanong enforcer o tagabugbog sa mga empleyado na hindi nakaka-quota.

“Para sa iba, mas madaling trabaho na ideport na lang natin but then no, we have to make them a ton for their crimes in the Philippines ng sa gayon hindi sila pamarisan dito. Mas mahirap makulong sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble