MAGBABALIK na muli ang Korean hit drama na Squid Game para sa kanilang third season ngayong Hunyo 27!
Kasunod ito sa matagumpay na release ng second season noong Disyembre 26, 2024 at first season noong 2021.
Sa inilabas na teaser noong Mayo 6, ipinakita ang isang bagong laro kung saan makikita ang isang gumball machine.
Batay sa komento ng viewers, maaaring isa na naman itong malaking hamon sa mga natitirang manlalaro mula sa second season.