ANG tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinag- aagawang teretoryo ay hindi makakaapekto sa labor relations ng dalawang bansa.
Tiwala si Department of Labor and Employment (DOLE), Sec. Silvestre Bello III na walang magiging negatibong epekto sa labor relations ng bansa at China ang umuusbong tensyon sa West Philippine Sea.
Paliwanag ni Bello na patuloy pa rin naman ang komunikasyon sa pagitan ng China at Pilipinas hinggil sa pagsasapinal ng Bilateral Labor Agreement.
Sa katunayan aniya ay nakatakda pang magbukas ng Philippine Overseas Labor Office sa Beijing, Shanghai at Shenzhen.
Indikasyon aniya ito na mayroon pa ring trabaho para sa mga pinoy workers sa naturang bansa.
Kabilang aniya sa trabahong naghihintay sa Pinoy sa China ay ang english teacher na kumikita ng hanggang 3,000 US dollars.
Kahapon, magugunitang ipinatawag ng Pilipinas ang Chinese ambassador sa bansa upang i-apela ang pagpapa-alis sa lahat ng mga barko sa Julian Felipe Reef sa Pilipinas.