Thailand, maglulunsad ng guidelines para i-promote ang turismo

Thailand, maglulunsad ng guidelines para i-promote ang turismo

MAGLULUNSAD ng bagong mga patakaran ang Thailand para mas lalong lumakas ang turismo nito ngayong taon.

Ang gobyerno ay naglunsad ng 5F noong 2022 na magpopokus sa limang pangunahing atraksyon sa bansa.

Ito ay ang food, film, fashion, fighting at festivals na naglalayong i-promote ang Thailand sa mundo.

Plano naman ng Tourism authority na mag-anunsyo ang Thai Gastronomy ngayong taon kabilang na ang Walking Street at International Food Festival.

Sa tema naman ng pelikula, inihayag ni government spokesman Anucha Burapachaisri na plano ng Thailand na maglunsad ng film city tour na naglalayong dalhin ang mga turista sa mga site na nakilala sa pelikula at telebisyon.

Para naman sa pagtutunggali, ang Thailand ay maglulunsad ng Amazing Muay Thai Festival ngayong taon sa Rajabhakti Park sa Hua Hin sa Pebrero 6.

Maglulunsad Din ang Thailand ng mga festival sa buong taon para i-promote ang mga lokal na tradisyon at kultura gaya ng Lunar New Year at Songkran.

Follow SMNI NEWS in Tiktok