INAPRUBAHAN ng Gabinete ng Thailand ang budget na higit 3-B baht para palakasin ang domestic travel at upang mas maraming dayuhan ang pumasok sa bansa.
Ang domestic tourism ay binigyan ng alokasyon na 2-B baht mula Pebrero hanggang Setyembre at ang naiwan ay ilalaan naman sa sekondaryang mga syudad sa bansa.
Noong nakaraang taon ay higit 11-M dayuhang turista ang bumisita sa bansa.
Ang bilang na ito ay tiyak na mataas kumpara sa higit 400 libong dayuhang turista noong 2021.
Sa buwan lamang ng Disyembre, higit 2 milyong dayuhang turista ang bumisita sa bansa.
Matatandaan na taong 2019 ay umabot sa 40 milyong dayuhang turista ang pumunta sa Thailand.
Ang Malaysia, India, at Singapore ang 3 pangunahing source ng tourism market ng Thailand.