NAGLUNSAD ang Thailand ng vaccination drive sa mga matatandang dayuhan na naninirahan sa bansa mula Lunes sa Bang Sue Grand Station sa Bangkok ayon sa Consular Affairs Department.
Inilunsad din ang Disease Control Department at Central Vaccination Center ng COVID-19 vaccination services para sa mga dayuhang naninirahan sa Thailand.
Ayon sa mga departamento, ang mga dayuhan na nasa 75 taong gulang na hindi pa nakatanggap ng bakuna ay maaaring mag-walk in sa pagbabakuna mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa Gate 2, 3 at 4.
Kinakailangan lamang magpakita ng mga ito ng kanilang pasaporte na magiging proof ng kanilang paninirahan gaya ng Visa at working permit.
Samantala, ang mga indibidwal na nasa edad 60-74 na naninirahan sa bangkok at limang katabing probinsya nito na hindi pa nakatanggap ng bakuna ay kinakailangan na mag-aplay ng pre-registration sa https://forms.gle/ulaqvx8eidox3v5q9.
Matapos makumpleto ang registration, ang mga indibidwal na nag-aplay ay makatatanggap ng appointment notification sa pamamagitan ng mensahe o e-mail sa loob ng dalawang araw.
Antigen test kits epektibo para sa self-testing sa Thailand
Samantala, epektibo ang Antigen test kits para sa self-testing ng COVID-19 sa Thailand.
Inihayag ng National Health Security Office na epektibo ang COVID-19 Antigen test kits (ATK) para sa self- testing sa mga residente na nasa bahay lamang.
Ayon kay Jadej Thammatacharee, Secretary General ng NHSO, nagsagawa ng testing ang Public Health Ministry at Bangkok Metropolitan Administration.
Nasa 50,000 katao ang natuklasan at 10% ng test group ay infected ng COVID-19.
Muli namang chineck ng mga ito ang resulta ng Polymerase Chain Reaction at natuklasan na 3% lamang ang discrepancy rate.
Bibili naman ng karagdagang kits ang NHSO at hiniling nito sa disease control na ipamahagi ito sa publiko.
Nakikipag-ugnayan na rin ang NHSO sa 200 lokal na klinika at 69 na health center sa Bangkok at lokal na ospital sa bansa para magsagawa ng testing sa pamamagitan ng ATK.
Inihayag ng Public Health Ministry na ang isang kit ay maaaring magbigay ng test result sa loob ng 15 minuto.