Thailand, papaigtingin pa ang ugnayan sa Saudi Arabia kasunod ng 1st official visit ni Crown Prince Mohammad Bin Salman

Thailand, papaigtingin pa ang ugnayan sa Saudi Arabia kasunod ng 1st official visit ni Crown Prince Mohammad Bin Salman

NAKATAKDANG pumirma ng mga kasunduan ang Thailand at Saudi Arabia para palalimin pa ang diplomatikong ugnayan nito sa isa’t isa kasabay ng nakatakdang pagbisita ni Crown Prince Mohammad Bin Salman sa bansa.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng isang Top Saudi Royal family member sa Southeast Asian country sa loob ng 3 dekada.

Ang kasunduan ay pipirmahan sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Economic Leaders’ meeting sa Bangkok kasama ang Crown Prince na naitalaga bilang bagong prime minister ng Saudi Arabia.

Ang kasunduan ay nakatalagang i-promote ang diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa hanggang 2024.

Magkakaroon din ng Bilateral Cooperation Council ang dalawang bansa upang mas mapalakas ang direct investments.

Ang pagbisita naman na ito ng Crown Prince ay kasunod ng pagbisita ni Prime Minister Prayuth Chan-o-cha sa Riyadh noong Enero.

Matatandaan na ito ang unang pagbisita ng isang Thai leader sa Saudi Arabia matapos na magkaroon ng hidwaan ang dalawang bansa dahil sa jewelry heist taong 1989.

Follow SMNI NEWS in Twitter