The-8 ng Seventeen, magkakaroon na ng kauna-unahang solo album

The-8 ng Seventeen, magkakaroon na ng kauna-unahang solo album

Filo carats! Finally, magkakaroon na ng solo album sa kauna-unahang pagkakataon si the-8, ang member ng grupong Seventeen.

Ang catch, bagamat myembro ng isang Korean boy group, isang Chinese album ang ire-release nito dahil nga naman, ipinaganak sya sa Liaoning, China.

Si the-8 pa lang din ang tanging myembro ng Seventeen na magkakaroon ng official solo album.

Ayon naman sa talent agency niya na Pledis entertainment, ‘Stardust’ ang magiging pamagat ng album at December 4 ito matutunghayan.

Noong taong 2021 ay naglabas na ng single si the-8 at pinamagatan itong ‘Side by Side’ habang noong taong 2022 ay inilabas nito ang kantang ‘A Bit of Summer’ at ‘Hai Cheng’.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter