ANOTHER bucket list this October, dahil not once but TWICE! Magbabalik na for the second time ang K-pop girl group na TWICE.
Ang announcement ay inilabas noong June 8. Ang “This is For” world tour ay magki-kick-off sa Inspire Arena sa Incheon, South Korea ngayong July 19 at 20. Susunod naman sila sa Osaka, Aichi, Fukouka, Tokyo, Macao, Pilipinas, Singapore, Sydney, Melbourne, Kaohsiung, Hong Kong at Bangkok.
Lalo ring pina-excite ng grupo ang buong mundo ONCE, dahil naglabas sila ng teaser video ng kanilang world tour sa YouTube tungkol sa previous performances na may caption, “Ready? A new era begins.”
Isa rin itong suporta sa ika-apat na studio album na ‘This is For,’ na ire-release ngayong July 11.
Huwag magpahuli mga kababayan dahil mapapanood niyo na sila live ngayong October 4 sa Philippine Arena, Bulacan.