INILABAS na ang ticket prices ng “Regine Rocks: The Repeat” concert ni Regine Velasquez.
Ang general admission ay nagkakahalaga ng 840 pesos habang ang sa platinum ticket holders ay nagkakahalaga ng 13, 440 pesos.
Ang platinum ticket holders rin ay magkakaroon ng meet and greet session kasama si Regine sa April 21 sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati City.
Samantala, gaganapin ang concert sa Mall of Asia Arena, Pasay City Ngayong Abril 19, 2024.