NAGKAKAHALAGA ng P5-K ang patron premium ticket para sa gaganaping Volleyball Nations League (VNL) sa SM Mall of Asia Arena.
Ang pinakamababang presyo ng ticket ay P500 para sa general admission.
Nagsimula na ang ticket selling nitong Abril 15, alas sais ng gabi.
Ang VNL ay mangyayari mula Hunyo 18 hanggang 23, 2024.