Mga nagsagawa ng kilos-protesta vs PUV modernization, posibleng mahaharap sa reklamo—DOTr

Mga nagsagawa ng kilos-protesta vs PUV modernization, posibleng mahaharap sa reklamo—DOTr

POSIBLENG mahaharap sa reklamo ang mga nagsagawa ng kilos-protesta kamakailan kaugnay sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), naging sanhi ng trapik na nakakaabala sa mga commuters at motorista ang naturang protesta.

Binigyang diin naman nito na hindi naparalisa ng PISTON at Manibela ang transport systems sa kabila ng trapik.

Ang protesta ay nagsimula noong Abril 15 at nagtapos noong Abril 16 matapos muling ipinaalala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi na palalawigin pa ang Abril 30 na deadline para sa PUV consolidation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble