BACK to Manila na si Tiffany Young ng Girls’ Generation para sa kaniyang “Here for You” fan concert tour ngayong darating na Hulyo 27 sa Samsung Hall, SM Aura Premiere, Taguig.
Opisyal na inanunsiyo ng Sublime at L-Squared Productions nitong linggo na ang tickets ay ibebenta simula Mayo 31 sa SM Tickets website at outlets.
Debut ni Tiffany bilang solo artist noong 2016, ngunit marami pa rin ang tumatangkilik sa kaniya bilang bahagi ng Girls’ Generation —isa sa mga pinaka-iconic na girl groups sa K-pop history.
Matatandaang huling nagtanghal si Tiffany sa bansa noong Enero 2020, kaya’t tiyak na sabik na sabik na ang mga Pinoy SONEs sa kaniyang pagbabalik.
Kasama rin sa kanyang tour ang Macao, Vietnam, Taiwan, Thailand, at South Korea.