Tigil-pasada ng grupong Piston ngayong araw, minimal ang epekto ayon sa PNP

Tigil-pasada ng grupong Piston ngayong araw, minimal ang epekto ayon sa PNP

NANANATILING mapayapa ang sitwasyon sa malaking bahagi ng Metro Manila sa kabila ng dalawang araw na tigil-pasada ng grupong Piston.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na wala silang naitatalang untoward incident.

Ayon kay Fajardo, minimal ang epekto ng tigil-pasada matapos makapagpakalat ng bus at iba pang sasakyan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at local government units (LGUs).

Maliban dito, nag-deploy din ng mga mobile patrol ang PNP para umalalay sa mga commuter na mahihirapang makahanap ng masasakyan.

Muling umapela si Fajardo sa mga nagsasagawa ng tigil-pasada na sumunod sa batas at panatilihing mapayapa ang kanilang mga aktibidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble