MMDA, may libreng sakay sa gitna ng tigil-pasada ng ilang transport group ngayong araw

MMDA, may libreng sakay sa gitna ng tigil-pasada ng ilang transport group ngayong araw

SA pangunguna ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Usec. Procopio Lipana at MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez, maagang sinimulan ng Inter-Agency Task Force ang pagmo-monitor sa MMDA Communications and Command Center (MMDA-CCC) ang lagay ng mga lansangan sa Metro Manila ngayong unang araw ng tigil-pasada ng grupong PISTON para sa kanilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

Nakahanda ang nasa mahigit 600+ rescue vehicles mula sa MMDA, mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, at mga LGU para sa mga mananakay na maaapektuhan ng transport strike.

Inatasan naman ang mga traffic enforcer na paigtingin ang traffic management at umasiste sa crowd control sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos-protesta.

As of 7:09, mayroon nang nai-report na pagtitipon ng mga miyembro ng grupong PISTON sa Pasig, Parañaque, at Quezon City.

Tinitiyak naman ng team na nakahanda ang assets ng pamahalaan para masiguro na walang maii-stranded na mga commuter ngayong may tigil-pasada.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble