TikTok, ipinagbabawal gamitin ng mga staff ng European Commission

TikTok, ipinagbabawal gamitin ng mga staff ng European Commission

IPINAGBABAWAL na ng European Commission sa lahat ng official devices na ginagamit ng kanilang staff ang Chinese video-sharing app na TikTok.

Ipinagbabawal din itong ma-install sa kanilang personal devices gaya ng phone kung may official apps ring na naka-install.

Sa mandato, dapat ma-uninstall na ito bago ang Marso 15.

Isa na ito sa pinakalatest na hakbang mula sa Europa bilang tugon sa lumalawak na concern kontra China.

Maraming agam-agam na posibleng naa-access ng China ang datos at impormasyon ng European users.

Follow SMNI NEWS in Instagram