Pilipinas, mag-i-export na ng durian sa China simula Marso

Pilipinas, mag-i-export na ng durian sa China simula Marso

INIULAT ng Department of AgricultureBureau of Plant Industry (DA-BPI) na sisimulan ng Pilipinas ang pagpapadala ng durian sa China simula Marso ngayong taon.

Ang ulat ay kasunod ng state visit ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa China noong nakaraang buwan, na nagbukas ng mga produktong pang-agrikultura ng Pilipinas sa Chinese importers.

Ipinaalam ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa sa Pangulo ang nakatakdang pagpapadala ng durian sa China sa gitna ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malacañang nitong Martes.

Sa presentasyon ni De Mesa, mayroong inisyal na bulto ng 7,500 metric tons (MT) ng durian na handang ipadala sa Asian country.

Kukunin ito mula sa 59 na iba’t ibang magsasaka o producers na sumasaklaw sa humigit-kumulang 400 ektarya ng production area.

 

 

Follow SMNI NEWS in Instagram