NATUKOY na ang TikTok user na nagsiwalat sa assassination plot kay Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr (BBM).
Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez spokesperson ni BBM batay sa initial finding ng imbistigador, ang banta ay mula sa grupo ng kabataan na makakaliwa.
Siniseryoso din aniya nila ang nasabing banta at patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ).
Tinutukan na rin ngayon ng awtoridad kung sinu-sino ang mga kausap ng TikTok user na nagsiwalat ng nasabing plano.
Sa huli, tiniyak ni Rodriquez na magpapatuloy pa rin ang nakatakdang aktibidad ng Marcos-Sara UniTeam.
Pinayuhan din nito ang kalaban nila sa pulitika na lumaban ng patas.
BASAHIN: Kampo ni Bongbong Marcos, nilinaw na hindi ito lumabag sa quarantine protocols