Timor-Leste Pres. Jose Ramos-Horta, dumating na—MIAA

Timor-Leste Pres. Jose Ramos-Horta, dumating na—MIAA

KINUMPIRMA ng Manila International Airport Authority (MIAA) na dumating na si Timor-Leste President Jose Ramos-Horta.

Ayon sa MIAA, sakay ng Royal Brunei Flight BI683, lumapag ito alas dos singko ng hapon sa NAIA Terminal 1 ang naturang Presidente ng Timor-Leste.

Ang state visit ni President Ramos-Horta sa Pilipinas ay bilang tugon sa paanyaya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Timor Leste leader na kapwa nilang daluhan ang 42nd ASEAN Summit sa Indonesia noong Mayo.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na ang pagdating sa bansa ni Ramos-Horta ay inaasahang makapagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at Timor-Leste.

Tatalakayin din ang usapin hinggil sa iba’t ibang larangan ng kooperasyon gaya sa technical, political, educational and economic partnerships.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter