HINDI ang NTF-ELCAC ang tinamaan ayon sa Regional Director ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) 3 sa ginawang pagtapyas sa pondo nito kundi ang mga nasa laylayan na siyang dapat sanang makikinabang sa mga programa nito.
Ibinahagi ni NICA 3 Regional Director Maria Luisa De Guzman sa naging panayam sa kanya ang mga nagawa na ng Barangay Development Program (BDP) sa San Mateo, Norzagaray, Bulacan na nagbigay ng pag-asa sa mga residente nito.
“We’re so glad to say that yung farm to market road, 8% na yung nagagawa coz kailangan mong patagin, para maganda yung pagka layout nung ano, and then parang yun yung nakakatagal sa kanya yung pagpatag nung kalsada. On the health stations, dalawa kasi yun di ba, 54% na ang level of completion. So malapit na kalahati na lang matatapos na. For the electrification, yung bidding ang inaayos natin,’’ ayon kay De Guzman.
‘’Yung sa livelihood naman yung pagbigay ng livestock, ng mga seedling, ng mga machineries for them 100% complete na ‘yan,” saad nito.
Ani De Guzman, hindi lamang ito dito sa Central Luzon kundi maging sa ibang rehiyon na naging benepisyaryo ng BDP.
Dagdag pa nito, isa ang Norzagaray sa nakaabot noong 20 million pesos pa na nakalaan sa bawat barangay mula sa pondo ng NTF-ELCAC nakaraang taon, ngunit nakakapanghinayang ngayon aniya dahil 4 million pesos na lang ang maipaparating sa mga barangay.
“Akala kasi nila pag dinefund yung NTF-ELCAC, kami, kami yung tatamaan, no it’s the barangay development program. Kasi we as members of, as members of line agencies in government may sarili na kaming pondo. Nakalipas na ‘yon, nakalampas na ‘yon doon sa hearing ng Kongreso. Ngayon yung sa SBDP naman yung Support to Barangay Development Program, doon na siya nakaltas. Akala nila kami yung nadedefund but no. It’s the laylayan. Yung mga nasa laylayan na nabawasan ng pondo,” paliwanag ni De Guzman.
Sa ngayon, mayroon ng 47 na barangay ang identified sa buong Central Luzon na cleared mula sa CTG; 10 sa Aurora, 31 sa Nueva Ecija at 6 sa Zambales.
Sa ngayon ay kinausap na muna nila ang mga barangay sa pamamagitan ng DILG upang ma-identify ang mga priority program sa mga dati nilang proposal.
“But as I have said, rest assured that the NTF-ELCAC, until it is here, and until matapos itong term ni Presidente, nag a-identify tayo ng pwedeng pagkuhaan ng funds, paki-usapan ng funds. Like for example; if it’s for farm to market road, pakikiusapan ng DPWH na maghanap ng unallocated naman na funds itong mga departments. So dun kukuhain. So hindi naman talaga maze-zero it’s just that medyo dadaan sa mahabang proseso uli. Instead na sana 20 million na, i-rerelease na lang kagaya nitong sa Norzagaray,” saad nito.
Samantala, nanawagan din si De Guzman sa mga mamamayan para sa darating na eleksiyon na pag-isipan nang mabuti ang kanilang ihahalal na makakatulong sa adhikain nito na nation building at peace building.
Aniya pa, tignan natin ang mga pulitiko na tunay na itinago ang kanilang mga pangako sa gawa at hindi nanlilinlang ng kanyang kapwa.
“What I want to say is that, kung sa pondong… for example 100 million na binigay para sa gobyerno para doon sa isang community, totoo po bang 100% yung naibibigay din? or meron pa pong pinupuntahan na iba na lumalaban sa gobyerno?” ayon kay De Guzman.
Ibinahagi rin ni De Guzman ang naganap na peace rally sa Pampanga bilang pag denounce sa reign of terror ng CPP-NPA-NDF kasabay ng ika-limang pu’t tatlong taon nitong karahasan at panlilinlang nito sa bansa.