PANALO ang TNT Tropang Giga kontra NLEX Road Warriors sa iskor na 107-102.
Resulta ito ng unang game sa PBA Governor’s Cup best-of-5 quarterfinals nitong Setyembre 25, 2024.
Sa sumunod na game, panalo naman ang Rain or Shine Elastopainters kontra Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa iskor na 109-105.
Kaugnay rito, ngayong Setyembre 26 ay abangan, mga kapartner, ang laban ng Meralco Bolts vs. Brgy. Ginebra San Miguel at San Miguel Beermen vs. Converge Fiberxers.