NAIS ng 18 taong gulang Filipino-British boxer na si Tom Welland na makuha ang kauna-unahang Olympic gold medal para sa boxing.
Sa katunayan, ngayong Asian Games sa September 2023 ay kasali ang Filipino-British sa Team Pilipinas at umaasa siya na maging kuwalipikado rin para sa 2024 Paris Olympics.
Nagsimula ang amateur boxing career ni Welland sa West Ham, East London.
Mula rito ay naging three-time national champion na ang atleta at five-time international champion.