Top 1 most wanted person sa Maguindanao, huli ng CIDG

Top 1 most wanted person sa Maguindanao, huli ng CIDG

MATAGUMPAY na naaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang top 1 most wanted person sa Buldon, Maguindanao.

Kinilala ni PNP CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. ang akusado na si Cipriano Espolong, residente ng Barangay Dinganin, Buldon, Maguindanao.

Si Espolong ay nahaharap sa tatlong counts ng kasong rape.

Matapos maisilbi ang warrant of arrest ay dinala na ang akusado sa CIDG Regional Field Unit Bangsamoro para sa documentation at proper disposition.

Tiniyak ni Brigadier General Caramat na patuloy nilang tutugisin ang may sala at bibigyan ng hustisya ang mga biktima ng pananamantala.

Follow SMNI NEWS in Instagram