HINDI kumasa sa hamon ng Kingdom of Jesus Christ si PRO-11 Chief Nicolas Torre III na sabayan ng KOJC ang kaniyang mga pulis na magsagawa ng Proton Elic Scan.
Sinasabi na kayang suriin ng nasabing scan kung mayroon bang secret bunker sa buong religous compound na posibleng pagtaguan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Si Pastor Apollo ay dumadaan sa matinding paninira sa Marcos Jr. administration gamit ang matagal nang dimissable na mga kaso.
Naunang hinamon ni KOJC Legal Counsel Atty. Israelito Torreon si Torre na pumirma sila ng kasunduan na aalis ang lahat ng pulis sa KOJC Compound oras na mag-negatibo sa Proton Elic ang lugar.