IPINAG-UTOS ni Senate President Migz Zubiri ang total lockdown sa Senado sa Lunes, Agosto 22, 2022.
Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang pitong senador at ilang staff members at miyembro ng Secretariat.
Sa Lunes, ang lahat ng empleyado sa Senado ay naka-work from home upang bigyan-daan ang isasagawang cleaning at disinfection sa lahat ng Senate offices.
Sinabi ni Zubiri na magbabalik ang mga sesyon sa Senado sa Martes, Agosto 23, 2022.
Mula nang magsimula ang 19th Congress noong Hulyo, tinamaan ng COVID-19 sina Senador Grace Poe, Cynthia Villar, Imee Marcos, Alan Peter Cayetano, Senate Majority Leader Joel Villanueva, JV Ejercito at Nancy Binay.