IPINASILIP na sa publiko kaninang umaga ng Department of Transportation (DOTr) ang pinakamahabang train set sa bansa na magagamit sa linya ng PNR Clark Phase 1.
Ayon sa DOTr, babiyahe ang train set mula Tutuban, Maynila hanggang Malolos, Bulacan.
Ito rin anila ang kauna-unahang eight-car electric multiple train set ng Pilipinas na binili para sa North-South Commuter Railway (NSCR) project.
Sinabi ng DOTr na ang 160-meter train set ay kayang makapagserbisyo sa 2,228 pasahero kada train set.
Samantala, nasa 12 eight-car train sets pa ang inaasahang darating sa bansa ngayong taon para sa mas maayos, mahusay, ligtas at komportableng travel experience.