DOTr, inumpisahan na ang inspeksyon sa mga bagon ng PNR Clark

DOTr, inumpisahan na ang inspeksyon sa mga bagon ng PNR Clark

PINANGUNAHAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang inspeksiyon sa mga bagong tren para sa PNR Clark Phase 1 project sa Valenzuela City.

Ang mga tren ay binili mula sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation bilang bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) System.

Sinabi ni Tugade na 58 train sets ang inaasahang tatakbo sa kabuuang NSCR mula sa Clark International Airport (CRK) hanggang sa Calamba, Laguna.

“58 train sets are expected to operate in the entire NSCR from the CRK to Calamba, Laguna),” pahayag ni Tugade.

Sa kabila ng bigo na maitayo ang railway system simula noong 1994, at nagkaroon pa ng demandahan  sa pagitan ng Northrail at SINOMACH noong 2016, sinabi ni Tugade na ang PNR Clark Phase 1 (38-kilometersang haba mula Tutuban hanggang Malolos) at Phase 2 (53-km long from Malolos to Clark) ay tuloy-tuloy na ngayon ang konstruksyon.

Sinabi din ni Tugade na nagsimula na din ang pagdating ng 58 eight-car train sets ng NSCR, na may kabuuang 464 train cars, noon pang November 2021.

Oras na matapos ang PNR Clark Phase 1, magiging 35 minutes na lamang ang travel time mula Tutuban, Manila patungong Malolos, Bulacan, mula sa kasalukuyang isa at kalahating oras.

Ang PNR Clark Phase 1 at 2 ay pinondohan sa pamamagitan ng tulong mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng Asian Development Bank (ADB).

Sa kasalukuyan, ang PNR Clark 1 ay 53.85 percent nang kumpleto, habang ang PNR Clark 2 ay 34.46 percent nang kumpleto.

BASAHIN: PNR Bicol Project, sisimulan na ngayong buwan ng Enero –DOTr

Follow SMNI News on Twitter