SINIMULAN na ang peace and development training sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Cordillera Region.
Layunin ng peace and development training sa hanay ng AFP at PNP na mapalago pa ang kakayahan ng dalawang uniformed agencies sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad at kaunlaran sa Cordillera Region.
Ginanap noong Nobyembre 10, 2023 sa court ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR), Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet ang pagbubukas ng nasabing training na tatagal ng 12-araw.
Nakatuon ang training sa community support program at kinabibilangan ng malaking tropa ng mga personnel mula sa AFP at PNP.
Nagpahayag din ng suporta at tiwala si Col. Virgilio Noora, at sinabing simbolo ng dedikasyon sa pagtutulungan ng dalawang ahensiya ang nasabing training lalo na’t parehong malaki ang ginagampanang papel ng AFP at PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
“This joint training signifies our dedication to work hand in hand as we recognize the significant role we both play in maintaining peace and development in the region in support of the local government unit,” ayon kay Col. Virgilio M. Noora, MNSA, PA.
Dagdag pa nito, ang kaalaman at kasanayan ng mga ito ay magreresulta sa mas maganda pang pamamaraan upang mapanatili ang peace at security habang pino-promote ang kaunlaran sa Cordillera Administrative Region
(CAR).
Kinilala rin ni LtGen, Fernyl Buca, commander ng Northern Luzon Command (NOLCOM) ang mga hindi maiiwasang security threats sa rehiyon at kung paanong mas masisiguro ang mas epektibong pagsugpo sa mga banta na ito.
“The joint training strengthens the capabilities of the community support program teams to ensure a robust response to security challenges in the region,” ayon kay LtGen. Fernyl G. Buca, PAF, Commander of the NOLCOM.
Samantala, siniguro naman ng Philippine National Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ang buong suporta sa nasabing joint training at sa mga susunod pang joint peace and development operation upang masiguro ang seguridad at kapakanan ng mga komunidad sa CAR.
“The joint training recognizes the importance of collaboration in addressing peace and security challenges in the region, and through this joint training, it seeks to strengthen partnerships by fostering a more coordinated approach to responding to peace and development efforts,” ayon kay PCol. Elmer E. Ragay, Deputy Regional Director for Operations, PROCOR.
Ang AFP-PNP joint training ay nagbibigay ng oportunidad upang mas lalong magampanan ng dalawang ahensiya ang kanilang tungkulin na magsilbi, at protektahan ang mga mamamayan sa kanilang misyon na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan.