NAGTIPON-TIPON ang mga transport cooperative group at korporasyon mula sa ibat ibang lugar sa bansa upang ipahayag ang suporta sa PUV modernization program ng pamahalaan.
Ipinanawagan din ng mga ito sa pamahalaan na tuldukan o huwag nang palawigin pa ang deadline ng franchise consolidation sa katapusan ng Disyembre.
Nagmartsa ang mga grupo mula Mabuhay Rotonda hanggang Malacañang upang ipaabot kay Pangulong Marcos ang kanilang panawagan.