Tropical depression, nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility

Tropical depression, nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility

BAGAMAT malayo pa ay nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang namataang tropical depression ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Alas dose ng hating gabi kanina, Oktubre 21, 2024 nang ito’y makapasok sa PAR.

Taglay nito ang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso naman na aabot sa 70 kilometro kada oras.

Kumikilos po ang tropical depression pakanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Ayon sa state weather bureau, pinangalanan na itong Bagyong Kristine.

Samantala, sa pahayag ng Department of Defense, mainam na maging updated ang publiko sa mga balita hinggil sa paparating sa bagyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble