Tropical Storm Dante, papalapit na sa silangang bahagi ng baybayin ng Oriental Mindoro

Tropical Storm Dante, papalapit na sa silangang bahagi ng baybayin ng Oriental Mindoro

KUMIKILOS ang Tropical Storm Dante pahilagang-kanluran at papalapit ito sa silangang bahagi ng baybayin ng Oriental Mindoro.

Ayon sa 11AM Weather Bulletin ng PAGASA, matatagpuan ang Bagyong Dante sa hilagang-kanluran ng baybayin ng Romblon, Romblon.

Ito ay may lakas na hangin sa 65km/h malapit sa gitna at may pagbugso sa 90km/h na kumikilos patungong hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang Romblon, Marinduque, northern at central portion ng Oriental Mindoro, northern at central portion ng Occidental Mindoro, Batangas, Cavite, Bataan, southwestern portion ng Bulacan, western portion ng Pampanga, Zambales, western portion ng Tarlac, at sa western portion ng Pangasinan.

Nakataas naman sa TCWS No. 1 ang northern portion ng Palawan, iba pang bahagi ng Oriental Mindoro, iba  pang bahagi ng Occidental Mindoro, western portion ng Quezon, western at central portion ng Laguna, Metro Manila, Rizal, Bulacan, iba pang bahagi ng Pampanga, iba pang bahagi ng Tarlac, western portion ng Nueva Ecija, iba pang bahagi ng Pangasinan, southern  portion ng Benguet, at La Union.

Sinabi ng PAGASA na limang beses nang nag-land fall ang bagyo kung saan ang huli ay sa San Agustin, Romblon kaninang alas 8:50 ng umaga.

Inaasahan namang magbibigay ng katamtaman hanggang sa malakas at may mga panahong matinding pagbuhos ng ulan sa CALABARZON, Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, Zambales, at Bataan.

Katamtamang pagbuhos ng ulan naman ang mararanasan sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands, at Negros Occidental.

Mahina hanggang sa katamtaman at may mga panahong malakas na pagbuhos ng ulan sa Central Luzon, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, iba pang bahagi ng MIMAROPA, Negros Oriental, at Cebu kabilang ang Camotes at Bantayan Islands.

SMNI NEWS