SINAMPAHAN ni dating US President Donald Trump ang CNN kung saan inakusahan nito ang Cable Television News Network ng defamation at naghahangad ng 475 milyong dolyar na punitive damages.
Nagsampa si Trump ng lawsuit sa US District Court ng Florida kung saan inakusahan nito ang CNN na naglulunsad umano ng kampanyang libel at paninira laban sa kanya dahil sa takot nitong tatakbo itong muli sa pagka pangulo sa 2024.
Ayon sa mga abogado ni Trump, ginagamit ng CNN ang impluwensya nito upang siraan si Trump sa mga manonood at mambabasa nito upang talunin ito sa kanyang politika.
Si Trump na nag-request ng jury trial ay nagkaroon ng hindi magandang relasyon sa CNN at iba pang major news outlets gaya ng The New York Times sa kalagitnaan ng pagka-pangulo nito kung saan tinawag niya ang mga itong “fake news.”