BUMABA ang naitalang trust at approval rating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte sa ikatlong bahagi ng taong 2023.
Ayon ito sa nationwide survey result ng OCTA Research na “Third Quarter Tugon ng Masa” na isinagawa nitong Setyembre 30 hanggang Oktubre 4 na may 1,200 adult respondents.
Ang trust rating ni Pangulong Marcos ay bumaba sa 73% mula sa 75% sa second quarter habang bumaba ng walong puntos ang approval rating sa 65% ang dating 71%.
Walong puntos din ang ibinaba ng trust rating ni VP Sara mula sa 83% sa second quarter sa 75%.
Habang 70% naman mula sa respondents ang nasisiyahan sa kaniyang performance mula sa 82% sa 2nd quarter.