SA inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) Binangonan, overloaded ng pasahero ang tumaob na bangka kahapon ng hapon Hulyo 27, 2023 sa isla ng Talim, Binangonan.
Batay sa record, nasa 22 lamang na pasahero ang dineklara ng bangka pero lumabas na umabot ito ng 66 katao.
40 katao ang nakaligtas habang 26 naman ang deklaradong nasawi sa insidente.
Mula sa 26, 14 dito ay nakilala na habang 12 naman ay nananatiling unidentified.
Ayon sa PCG Binangonan, nasa 42 passenger capacity lamang ang kaya ng naturang Bangka.
6:00 ng umaga araw ng Biyernes nang patuloy ang search and rescue/retrieval operations sa mga posible pang sakay sa nasabing bangka.